Monday, April 16, 2012

UNIVERSITY CRISIS


High school graduate ka na ba? 
Kung hindi kasi mahihirapan kang maka-relate sa mga nakapaloob sa blog na toh. Kung oo naman, gue! Keep scrolling down. 


            Mag iisang linggo na mula nung grumadweyt kami sa San Jose National High School. Tapos na ang problema sa mula sa nakakasulasok na aralin sa eskwelahan pero hindi yun ang pinakapino problema ko sa ngayon kundi, kung saan ako mag aaral ng college. As an honor student, mahirap din para sa akin ang maghanap kung saan papasok na unibersidad, hindi naman kasi tulad kapag Valedictorian ka, na puro a hundred percent scholarship at discount ang maa avail mo, pero thankful parin naman dahil may 50% atleast may discount parin. Una na yon sa problema ko, Tuition and other fees. Tapos sumunod yung mga nagpapaasang scholarship, sa kanila kasi ako didepende, yung ibang scholarship kasi may definite coarses at school na gina-granted kaya talagang mahirap mag decide. Honestly, gusto ko sa Univesity of the East, pero gusto ko din sa TIP, at sa PUP naman ako pumasa, grabe ha! Tatlong school palang yan. May mga personal reason kasi ako kung bakit yun yung mga options ko. At syempre parin, iba't iba parin ang coarses ko sa bawat colleges na pinipili ko.Nakakatakot kasi mag aral ng hindi mo sure kung yun yung school na gusto mo talaga. I'll always seek God first para hindi ko pagsisihan ang mga desisyon na gagawin ko. At dapat ganun din tayo! (simpleng pangaral sa bandang huli noh)