Saturday, May 19, 2012

Bagong Ako Kaisa ng PREX




















Isang linggo na makaraan ng Parish Renewal Experience o PREX Seminar sa Our Lady of the Holy Most Rosary Parish. Dapat kasi nung February pa ako aattend sa seminar na ito kaya lang nagkaroon ng conflicts sa sched kasi nasabay yung binyag ng pamangkin ko at nang JS Prom. namin, naalala ko pa si kuya Marky ang nag invite sa akin during that time. Nag antay ako ng next announcement para sa next batch at thanks God dahil nung magsimba ako nung 5th Sunday of Resurrection may nag-announce after the mass na magkakaroon ng PREX Seminar, nahiya naman ako mag inquire pagkatapos ng misa kaya sabi ko babalik nalang ako ng Monday tapos wala pala sila work kapag Lunes kaya malamang sa alamang Martes ako bumalik at nakita ko yung mga caretaker ng simbahan, sa kanila nalang ako nag inquire then sabi nila punta nalang ako sa Friday, first night. At nung sumapit ang Biyernes, bago pa lang mag 6:30pm ay nasa simbahan na ako, may misa pala, nakita ko yung iba na nakapula at alam kong mga coordinator nang seminar yun, ninais ko nalang umuwi nung una kaso sabi ko sa sarili ko, "ngayon pa ba ako aatras? Konti kapal pa ng mukha" kaya naglakas loob ako na magtanong at yun!

Dun na nagsimula na mapabilang ako sa PREX Batch 85, may color coding pala, Red sa first day, blue sa second day at white sa graduation kaso naka ssg shirt ako plus naka tsinelas nung first night, buti nalang pinagbigyan kaya the next day lahat kami uniform na! Haha, grabe very lively yung seminar and honestly it's really a soul-renewing activity for all the participants out there. Akala ko dati, sa mga evangelical christian religions lang ang may ganun, isa pa pala sa mga purpose ko kung bakit umattend ako ng PREX ay para makasali sa hinahangaan kong San Lorenzo Ruiz Male Ensemble(male choir), requirment kasi ang PREX, pero as the seminar was already started, nalaman ko na marami palang ministry ang pwedeng salihan, kailangan lang natin na i-explore.

Thumbs up ako sa mga speakers, auxiliaries at buong flow ng seminar, talaga nga namang hindi lang tiyan mo ang mabubusog, pati kaluluwa mo pa, kahit ginabi yung seminars (around 10:30pm) sulit naman talaga yung buong session at ang dami ko pang nakilalang bagong kaibigan, mas lumalaki ang pamilya ko pati na rin ang space na ginagalawan ko as a Catholic, though maraming kumekwestyon sa aming relihiyon ay nagpapasalamat parin ako dahil marami paring nanalig dito. Nung sumapit yung Sunday, nalungkot ako kahit papaano, ganun pala talaga ang pakiramdam kapag matatapos na yung isang bagay, particularly yung seminar, 6pm yung graduation namin kasabay nung 2nd mass at ang ritual tradition ay after ng Holy Communion.


Ngayong May 20, babalik kami ulit para sa reunion ng bago kong pamilya, reunion agad no, at para malaman na namin yung iba't ibang ministry at organization na maaari naming salihan sa loob ng simbahan. Kaya sana marami pang maka attend sa mga susunod pang paklase ng PREX, may seminar pa naman ulit these year kaso hindi pa na announce yung date. Coming soon at sana makasama ka para makilala mo pa ang KATOLISISMO. John3:16

Monday, April 16, 2012

UNIVERSITY CRISIS


High school graduate ka na ba? 
Kung hindi kasi mahihirapan kang maka-relate sa mga nakapaloob sa blog na toh. Kung oo naman, gue! Keep scrolling down. 


            Mag iisang linggo na mula nung grumadweyt kami sa San Jose National High School. Tapos na ang problema sa mula sa nakakasulasok na aralin sa eskwelahan pero hindi yun ang pinakapino problema ko sa ngayon kundi, kung saan ako mag aaral ng college. As an honor student, mahirap din para sa akin ang maghanap kung saan papasok na unibersidad, hindi naman kasi tulad kapag Valedictorian ka, na puro a hundred percent scholarship at discount ang maa avail mo, pero thankful parin naman dahil may 50% atleast may discount parin. Una na yon sa problema ko, Tuition and other fees. Tapos sumunod yung mga nagpapaasang scholarship, sa kanila kasi ako didepende, yung ibang scholarship kasi may definite coarses at school na gina-granted kaya talagang mahirap mag decide. Honestly, gusto ko sa Univesity of the East, pero gusto ko din sa TIP, at sa PUP naman ako pumasa, grabe ha! Tatlong school palang yan. May mga personal reason kasi ako kung bakit yun yung mga options ko. At syempre parin, iba't iba parin ang coarses ko sa bawat colleges na pinipili ko.Nakakatakot kasi mag aral ng hindi mo sure kung yun yung school na gusto mo talaga. I'll always seek God first para hindi ko pagsisihan ang mga desisyon na gagawin ko. At dapat ganun din tayo! (simpleng pangaral sa bandang huli noh)