Saturday, June 16, 2012

Ang Sarap Balikan ng mga Movie na to :)))






Sa Dalawang Dekadang Nagdaan. . . .



                    June 9 ang birthdate ko pero sa nakalipas na 19 years na nabuhay ako sa daigdig ay hindi ko na namamalayan na dumaan na pala ang birthday ko except highschool kasi nakadikit sa pader yung birthday bush kaya wala akong ligtas sa version ng mga kaklase ko ng happy birthday. Nung elementary naman. . .,di ko na talaga maalala e. Ngayon 2012, ang buong birthday ko ay ginugol ko sa Lectors and Commentators Ministry Renewal Seminar, gusto ko kasi talagang maging part ng church community at talagang balak ko maglaan ng time para makapagserve sa Diyos.

                 Malaki na rin ang improvement ko from the passed 19 years of existence. Masyado na akong nagmature compared when I was 14 to 16 years old. Nakakatuwa na may tatlong factors na nakaapekto sa aking pagbabago. Ito ay ang mga ss:
  1. Ang Aking Pamilya,
  2. The Environment, and
  3. The Church
                        Pero saka ko na lang isye-share kung bakit.Actually ngayon ko palang naa appreciate ang Buhay, na ganito pala ang tunay na kulay na ating buhay sa likod ng pangit na realidad at makamundong katotohanan. Yup may mga part na malungkot pero hindi all the time lalo na kung ikaw yung tipo ng tao na kaya tanggapin lahat ng bagay at pangyayari, saklaw man ito ng iyong paningin o hindi. Nature na kasi talaga ng tao ang maging makamundo, of course! Eto yung environment na kinamulatan natin pero hindi iyon dahilan lagi nating iayon ang ating sarili dito sa daigdig. Ang nangyayari kasi, madalas natin ginagawa yung mga bagay na inaakala nating tama dahil ito ay sumasabay sa agos ng buhay ng mundo without a knowledge na taliwas ito sa mismong kahulugan ng buhay.Ako aaminin ko na dati na gusto ko ang salitang "POPULARIDAD" kaya I always work on things for the best at nang makuha ko ang salitang iyon. It did not satisfied my needs at kalaunan ay nagpatanto ko na ang layo ko na pala, naliligaw na ako sa magpalinlang na gubat na iyon. Kaya nung malaman ko na ang misyon natin dito sa mundo ay iganyak ang ating sarili para sa mas mainam na buhay, hindi na ako nag focus kung paano makukuha ang atensyon ng iba at sa halip ay naglingkod nalang ako sa simbahan pero nasa puso ko parin ang salitang ."leadership na napalitan ng salitang discipleship" Mababaw lang ang ideya na yan pero saka ko nalang din ikukwento. Sa ngayon I'm still work to praise my Father and Savior above habang wala pang pasok at sana magkaroon parin ng time(and God will provide).

Friday, June 1, 2012

Ang Pabaon ng Salutatoryan ng Taon

Sa lahat ng mahilig magblog at magbasa ng mga blog: propesyunal, guro, magulang, tambay, kamag anak, adik, relihiyoso at illuminati isang mapayamang araw-gabi sa inyong lahat.

Napakabilis talaga ng panahon at oras, parang kailan lang nung una kong inihakbang ang aking mga paa papasok ng Paaralang San Jose National High School, "first day high" ika nga nila at ngayon ay dumating na ang oras ng paghakbang palabas ng paaralang ito na naghuhudyat ng isang panandaliang kalungkutan sa lahat ---ang araw na ating pagtatapos sa hayskul.

Bago ang lahat, ay nais ko munang pasalamatan ang mga magulang na narito, guro't punong-guro ng SJNHS, mga kapwa ko nagsipagtapos at lahat ng nagbigay kulay sa buhay ko sa taong panuruan 2008-2012.

Una na muna sa lahat Poong Maykapal na Siyang nagdisenyo ng bawat isa sa atin, labis ang aking pasasalamat sa pag iingat Niya sa atin sa araw-araw nang ating pagpasok sa paaralan at pag uwi sa ating mga tahanan, sa Kanyang mga biyaya na ibinibigay sa atin sa kabila ng ating mga kapalaluan at madalas na pagsuway sa Kanyang mga gintong kautusan at sa patuloy Niyang paggabay sa ating lahat sa maliwanag at tuwid na landas na ibig Niya para sa ating lahat, sa madalas makaalala at makalimot sa Kanya, sa patuloy Niyang pagpapatawad, pagmamahal at pag-alalay sa atin sa panahon na ramdam natin ang krus ng kalbaryo, Lord God "salamat po!".

Sa lahat ng "stage parent" na narito (nakakabasa nito) na walang sawang sumuporta sa bawat isa sa amin sa loob ng apat na taon sa hayskul, ang inyong mga pangaral, pabaon at mga di matatawarang pagsasakripisyo na inyong ginawa upang mapagtagumpayan naming maabot unti-unti ang aming mga pangarap at maging kaisa sa natatanging pagtitipon na ito, ang diploma ng aming pagtatapos ay masaya naming inaaalay sa inyo bilang isang simpleng regalo sa lahat ng hirap at pagsubok na ating nalagpasan. Salamat po sa taos pusong suporta at pagmamahal na inyong ipinadama sa amin sana po ay hindi kayo magsawa na asikasuhin kami kahit minsan ay nagiging pasaway kami at nagiging sakit sa inyong ulo ay lagi nyo pong tatandaan na mahal namin kayo.Tunay nga na progresibo na ang ating paaralan at nakakatuwang unti-unti na itong nakikilala sa lahat nang kompetisyon na nilalahukan nito at tunay na hindi ito nagpapahuli, mga bagay na nasaksihan ko at proud akong sabihing naging isa ako sa tagapagtaguyod ng pangalan ng San Jose NHS ngunit kung mayroon mang taong dapat pasalamatan sa likod ng maraming magagandang balita tungkol sa sintang paaralan ay walang iba kundi ang ating pinakamamahal na punong guro, si Ginoong Alfredo Delizo Lopez, sir salamat po! Para sa lahat, lahat na inyong ginawa upang baguhin ang San Jose NHS, maaari na hindi ganoong kadali ang mga bagay para sa inyo at sa amin ay ginawa n'yo parin ang inyong trabahong ipatupad ang kaayusan at disiplina sa inyong nasasakupan at ito ay magsisilbing pabaon sa bawat isa sa amin.


Sa kinikila naming pangalawang magulang na nag aruga at tumulong sa mga mga nanay at tatay namin na hubugin kami sa loob ng apat na taon sa sekundarya, walang iba kundi ang mga minamahal naming guro na itinuring narin namin na isang kaibigan, kapatid at madalas ay magulang na nagbibigay payo, suhestyon at kung minsan pa ay sermon upang gisingin ang natutulog naming disiplina at imulat kami sa katotohanan ng buhay na puno ng iba't-ibang karera, sila ang katuwang ng aming mga magulang sa pagtatanim sa aming puso't isipan tungkol sa tunay na sikreto at kahalagahan ng EDUKASYON. Sa mga guro ko sa Values na nagturo sa amin ng tunay na kaganapan, sa mga guro ko sa T.L.E. na nagmulat sa amin sa mundo ng teknolohiya, sa mga guro namin sa Araling Panlipunan na dinala at inilibot ang aming malilikot na isipan sa mundo ng mga kasaysayan at realidad ng ekonomiya, sa mga guro ko sa MAPEH na sinaklaw ang apat na elemento nito upang hubugin ang bawat isa sa amin, sa mga guro ko sa Agham na nagturo kung paano tuklasin ang mga bagay na hindi lang nasasaklaw ng aming isip at mga mata, sa mga gurong tagapayo ko sa Matematika na pinatunayan na ang asignatura na ito ay kapaki-pakinabang sa lahat ng pagkakataon, at syempre sa aking guro pagdating sa pakikipagtalastasan sa Ingles at Filipino na gumamit ng mga kanilang kahanga hanga at epektibong stratehiya ng pagtuturo, MARAMING SALAMAT PO sa inyong lahat, kulang po ang isang pad ng yellow paper para ilahad ko sa inyo kung paano binibigyan ng dekalidad na edukasyon ng San Jose NHS ang lahat ng mga mag-aaral nito sa pamamagitan ng mga dekalibre at maaasahang guro na talaga nga namang subok na sa larangan ng TOTOO at may PUSONG PAGTUTURO.

Sa lahat ng mga kapwa ko nagsipagtapos, ang tunay na laban para sa ikatatagumpay ng bawat isa tungo sa ating kaganapan ay hindi nagtatapos sa apat na sulok nang ating paaralan at maging sa lugar ding ito. Kundi, ang pagtatapos na ito ay isang hudyat pa lamang nang pagsisimula para sa mas malawakang paghahanda natin sa panibagong yugto ng ating buhay-ang KOLEHIYO. Ang lahat ng ating natutunan sa loob ng apat na taon ng ating pag aaral ay huwag sanang maibaon sa ating mga baul, bagkus ay baunin at gamitin ito sa mas lalong pagpaunlad ng ating mga sarili at pati rin ng ating kapwa sa MABUTI at WASTONG PAMAMARAAN hindi lamang sa aspetong pisikal, mental o emosyonal kundi maging espiritwal din. Lagi nating baunin ang kaisipan na: "mahalagang magkatuwang ang puso't isipan sa pagtahak ng tuwid na landas, ngunit ang di balanseng pag gamit nito ay laging may epektong masama di lamang sa atin". Sa ating mga problema, huwag nating hanapin agad ang masamang epekto nito kundi ang kabutihan kung bakit natin ito nararanasan at mula rito ay magiging madali ang lahat. Matuto tayong ngumiti at magrelax sa panahon na alam nating kailangan nito ngunit HUWAG SOBRAHAN! Huwag kalimutan ang 90/10 Principle ni Stephen Covey at John 3:16. Mas masarap maglakbay kapag mayroon tayong mapa at kompas at huwag nating kalimutan ang magagandang bagay na ating natutunan mula sa ating mga iiwanang paaralan, guro at mga kaibigan, sila mandin ay maaaring magsilbing sandigan at kalakasan natin kapag dumating ang oras na kailangan nating subukan ang mga bagay na dati nating kinatatakutan upang mas lalong paunlarin ang ating sarili. Muli ay binabati ko ang lahat nang aking kapatid na nagsipagtapos. Salamat sa pagbabasa at mabuhay tayong lahat.

A Pilgrimage or An Excursion

*Pilgrimage
-a journey to a holy or venerated place.
*Excursion
-an outdoor recreational activity.

April 22, 2012- petsa nung pumunta kami nang aking ate Bhe (kasama sila Jhoanne, Rexies, Eredlyn, Angelie at ate Raiza) sa aking kauna unahang pilgrimage sa Our Lady of Manaoag na matatagpuan somewhere in Pangasinan, 11:50pm ng Sabado nung pumunta kami sa Munisipyo dahil dun yung meeting place at by 12 ay aalis na, naloka lang ako kasi bukod sa 2:00 am na umalis yung bus ay nakakaburyo yung ingay nung mga binata sa likod namin (na nakaupo sa pinaka dulong upuan) feeling ko tuloy naligaw kami ng nasakyan that time. Habang nagro-rosary yung ate ko ay nakatulog ako(at pinilit ko talagang matulog) basta ang alam ko San Mateo-Batasan yung dinaanan namin. By 6:00am ay nasa Pangasinan na kami pero wala pa dun sa venue na enjoy ko yung byahe kaka picture with my white board, nakakahilo kasing magbasa sa byahe. It was 7am nung marating namin yung Our Lady of Manaoag Parish and infairness ha, dinarayo talaga ang lugar na yun ng iba't-ibang probinsya. Madami ngang nagtitinda ng poon ng Manaoag, rosary, at sangkaterbang souvenir items (trivia: mas mahal ang mga souvenir sa harap ng simbahan kaysa sa likod at mas mura sa mga naglalako) tinapos namin yung misa kahit na yung Ama Namin nila ay nasa version ng pangalatok(ang gwapo nung mga semenarista at mga sakristan). Pagbalik sa bus ay hiyang hiya naman kami nila ate dahil kami nalang yung huli pero wala pa namang 8:30 nun(na calltime), yung iba pala ay hindi naman nagmisa, kami kasi tinapos pa namin. Next venue ay beach, sinabi na sa akin ni ate yun dahil pangalawang beses na niyang sumama sa ganun, syempre tuliro na naman yung tenga ko sa ingay ng mga kasama namin, may built-in-box kasi silang speaker at para silang sabik sa dagat, haay inabot kami ng 3 oras sa byahe papuntang beach at yung isang oras dun ay nasayang sa paghahanap ng mapaparadahan ng bus.Atlast! nakarating din kami sa San Fabian Beach(familiar yung nameha) grabeng katirikan nung araw nang bumaba kami para pumunta sa cottage, kasama pala namin yung katokayong kaibigan nang ate ko, kumain muna kami pagkalapag ng mga gamit(hindi mawawala ang picture piktyuran) then after ay nagbantay ako kay Jhoanne, hindi kasi agad ako naligo, mga 2pm na ako naligo nun e samantalang sila ate ay natulog lang sa cottage. Okay naman ang venue at hindi ko trip talagang maligo sa dagat kaya wala masyadong kwento. Mga 5:30pm nang kami ay mag pack-up at sa dami ng stop over namin ay inabot kami ng hanggang 12 ng gabi sa daan. Ako lang yung maingay nung byaheng pauwi (kanta kanta lang), lahat kasi sila bagsak at pagod pati yung mga goons, hindi ako makatulog dahil dun sa pamangkin ko na kandong ko. Magandang experience din yun sa akin at hoping ako na makasama ulit next year pag hindi hectic yung schedule. Diba sa bandang dulo ay hindi ko parin alam kung pilgrimage o bakasyon yun kasi parehong may part.Tawagin nalang natin PILGREXCURSION.

TGIF (Thanks God I'm Freshmen)


Malapit na naman ang pasukan, parang kailan lang nitong huling bakasyon ay nagrereview pa ako para sa UPCAT then suddenly college na ako, pero hindi sa UP, sa Polytechnic University of the Philippines ako napunta kalaunan. Nakakatuwa dahil 119 yung pupcet score na pumasok sa quota ng lahat ng course kaya kinuha ko agad yung "flag bearer course" nila na Bachelor of Science in Accountancy, marami naman kaming kumuha ng course na yun. Dati akala ko sa pagkuha lang ng test permit sa pupcet mararanasan ko yung mahabang pila na umabot hanggang 6th floor at tatlong ikot sa baba, pero nitong nakaraan April 19, bumalik na naman ang one of a kind experience na yun buti nalang at lagi kaming maaga nung enrollment, dalawang araw din na sakripisyo yun bagong ko nakuha yung registration certificate ko, sa step 1, madali lang naman pati sa medical basta ang sasabihin mo lang e, "yes doc I'm okay and none", sa interview naman na mas nagmukhang orientation ay okay pa din so far, except lang nung mapansin ako nung nag oorient na prof, pechay! Exposure talaga yun, ipagsigawan ba naman ang gwapo ko daw. Then after ng interview ay umuwi na ako dahil hindi pa ako makakapag proceed sa step 3 dahil kakapa x-ray ko lang sa kanila at kinabukasan pa ang release so kinabukasan ay balik ulit, hindi ko makalimutan yung dalawang araw na 4:30am yung call time namin at pinauna ko na sila Erwin at Dhoray dahil nung 1st day ay 4:27am ako nagising at 4:23am naman nung next day. Pero dahil mabait talaga ang Diyos ay nagkasabay sabay naman kami. Tapos nung last day ay ganun parin ang sistema mahabang pila sa cashier at after mong makuha yung receipt ay ibibigay naman yun sa ARO para makuha yung registration certificate na tatawagin ng guard at ipagsisigawan yung pangalan mo. As in kahit saan ka lumingon nung mga panahon yun ay ang tangi mong mapapansin ay ang walang patid na "Pila Ulit Pila". Kaya naman nung makuha ko yung regi ko ay parang gumaan yung pakiramdam ko, nasabi ko tuloy sa sarili ko "wala na ba next na pila, tapos na talaga? Hay salamat sa Diyos" talagang memorable ang enrollment na yun dahil dun ay naikot ko din yung building kakahanap ko sa College of Accountancy Laboratory kung saan ginaganap yung interview. Oo nakakapagod, nakakagutom, nakakastress, at nakakaloka talaga pero pag natapos mo yung process at officially enrolled ka na as a freshmen, sa bandang dulo ay pwede mong sabihin na Nakakamis pumila pila or kahit ganun yung proceduce, worth it naman, tiyaga lang talaga yung kailangan at pasensya (lalo na dun sa mga Urduja Guards na nananaway). Masakit sa paa, sa katawan lalo na sa ulo dahil narin sa inet pero magkaganun man, maiisip mo na yung edukasyon sa PUP ay may kalidad sa presyong hindi mabubutas ang bulsa mo, sa madaling salita ay abot kamay at abot pangarap talaga kapag dun ka nakapag aral, wag mo nga lang maisip o gawin ang pagloloko dahil ilang taon ka lang sa kolehiyo at dapat seryosohin mo yun.
Paano ba yan? FRESHMEN Uli!!!